Inaasahan na ng pamahalaan ang mataas na bilang ng mga nagpopositbo sa COVID-19 kasunod ng umiiral na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) at General Community Quarantine (GCQ).
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, batid nila ang pagtaas ng kaso ng virus matapos buksan unti-unti ang ekonomiya ng bansa.
Aniya, ang pinagtutuunan ngayon ng pamahalaan habang wala pang bakuna, ay ang pagkakaroon ng sapat na critical care capacity para bigyan ng medical attention ang mga magkakasakit.
Nabatid na marami ng industriya at mga establisyimento ang nagbalik-operasyon matapos bahagyang luwagan ang quarantine restrictions.
Gayunman, hindi naman ino-obliga ang mga empleyado na sumailalaim COVID-19 test bago magbalik trabaho.
Facebook Comments