Pagtaas ng COVID-19 cases sa Cebu, isinisi sa patakaran ng IATF

Sa kaniyang pagharap sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole, isinisi ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia sa patakaran ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang paglobo ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan.

Tinukoy ni Garcia ang patakaran ng IATF na lahat ng darating sa lalawigan galing sa ibang bansa ay isasailalim muna sa quarantine bago ipa-swab test sa ikalimang araw.

Diin ni Garcia, hindi naman sila mahigpit na nababantayan sa mga hotel at quarantine facililities kaya posibleng nakakahalubilo nila ang iba pang galing abroad pati ang mga staff ng hotel na maaring dahilan ng pagkalat ng virus.


Ayon kay Garcia, bumaba ang COVID-19 cases sa Cebu nang ipatupad nila ang ‘swab-upon-arrival’ policy o agad na swab test pagdating sa kanilang paliparan.

Facebook Comments