Naniniwala ang palasyo na hindi nagmula sa NCR bubble ang pagdami ngayon ng COVID-19 cases sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, isa ang community transmission sa dahilan ng pagkalat ng mga kaso partikular sa Visayas at Mindanao.
Paliwanag ni Roque, mayroon namang mahigpit na border controls ang mga lalawigan at sumasailalim din sa mga quarantine ang mga nagmula sa NCR bubble bago sila makapasok sa iba’t ibang lugar.
Isa pa aniya sa posibleng dahilan ang mga bagong COVID-19 variants na nakapasok na sa bansa lalo na’t bumaba na ang naiitalang kaso sa loob ng Ncr plus sa mga nakalipas na linggo.
Facebook Comments