Pagtaas ng COVID-19 cases sa mga emergency room, ramdam na ng mga ospital

Nararamdaman na ng mga ospital ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa mga emergency room.

Ayon kay Dr. Maricar Limpin, presidente ng Philippine College of Physicians (PCP), mula sa dating isa, umaabot na ngayon sa sampu ang pasyente nila sa emergency room kada araw kung saan lima sa mga ito ang nagpopositibo sa COVID-19.

Aniya, posibleng bunsod ito ng paglabas ng mas maraming tao ngayong holiday season.


At kahit mahigit 400 lamang na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa kahapon ay labis na itong ikinababahala ng grupo.

Naniniwala rin si Limpin na nakaamba na ang panibagong surge ng COVID-19.

Dahil dito, nakiusap siya sa publiko na ipagpatuloy ang pagsunod sa minimum public health standards at huwag kalimutan na mayroon pa ring pandemya.

Facebook Comments