Swab sample ng asawa ng ikaapat na kaso ng Omicron variant sa bansa, naisumite na sa PGC

42

Naisumite na ng Department of Health (DOH) sa Philippine Genome Center (PGC) ang swab sample ng mister ng ikaapat na kaso ng Omicron variant sa bansa na nagpositibo rin sa COVID-19.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, anumang araw ngayong linggo ay posibleng lumabas ang resulta ng genome sequencing.

Bukod dito, sumalang na rin sa COVID-19 tests ang mga kasama sa bahay ng mag-asawa.


Habang patuloy na tinutunton ng ahensya ang mga pasaherong nakasabay nila sa flight PR 127 ng Philippine Airlines na dumating sa bansa noong December 10 mula sa Amerika.

Sa ngayon, ayon kay Vergeire, wala pa silang naitatalang hawaan ng Omicron variant sa bansa.

Facebook Comments