Bahagyang bumagal ang pagtaas ng COVID-19 cases sa Metro Manila.
Batay sa OCTA Research Group, tumaas lamang ng tatlong porsyento ang naitalang bagong COVID-19 cases sa pagitan ng Marso 31 hanggang Abril 6 mula sa 19 percent na pagtaas noong March 25 hanggang April 1.
Sa nabanggit ding linggo, naitala ang reproduction rate na 1.43 mula sa 1.53 nitong Abril 6 habang ang nationwide reproduction rate ay 1.45.
Sa kabila nito, iginiit ng OCTA na maaari pa itong magbago dahil may mga datos pang hindi pa naisusumite.
Nagtala rin ng pagbaba ng kaso sa Pasay, Marikina, Makati, Manila, Taguig, Navotas, at Mandaluyong.
Habang may bahagyang pagbaba ng kaso sa Parañaque at Las Piñas.
Nananatili naman ang positivity rate ng Metro Manila sa 25 percent habang punuan pa rin ang mga ospital sa loob ng NCR Plus bubble.