2 miyembro ng local terrorist organization, patay sa engkwentro sa South Cotabato

40

Nasawi matapos-makipag engkwentro sa mga pulis ang dalawang miyembro ng local terrorist organization sa Sitio Bio, Purok 4, Barangay Lapu, Polomolok, South Cotabato kahapon.

Ayon kay Philippine National Police Spokesperson Brig. Gen. Ildebrandi Usana ang mga nasawing terorista ay sina Jourhan Palalisan Utas at Mohaimen Palalisan Utap.


Batay sa report ni PRO-12 Regional Director Police Brigadier General Michael John Dubria, isisilbi sana ng mga pulis ang warrant of arrest laban kay Jourhan Utap pero pinaputukan sila ng kapatid nito na si Mohaimen kaya nagkaroon ng encounter.

Naisugod pa ang dalawa sa Polomolok Municipal Hospital pero ideneklarang dead on arrival.

Nakuha sa mga supek ang ilang mga matataas na kalibre ng baril at iligal na droga.

Sa report pa ni Drubia, ang mga suspek ay mga active members ng terrorist group Dawlah Islamiya-SOCSARGEN KHATIBA sa ilalim ng pamumuno ng isang Ali Boy Nilong.



Facebook Comments