Pagtaas ng COVID-19 cases sa walong lungsod sa NCR, naitala

Nakitaan ng Department of Health (DOH) ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 ang walong lungsod sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay DOH Epidemiology Bureau Director Alethea de Guzman, bagama’t hindi kasing laki noong nakaraang dalawang linggo, nakikita pa rin nilang tumataas ang mga kaso sa Valenzuela, Pasay, Malabon, Pasig, Makati, Navotas, Las Piñas, at Manila.

Aniya, kabilang sa mga dahilan sa pagsirit ng kaso ay ang mga gatherings at pagdami ng mga taong lumalabas ng kanilang bahay.


Sa kabila nito, sinabi ni De Guzman na nananatili sa safe zone ang health care utilization rate sa Metro Manila.

Maliban sa NCR, nakitaan din ng DOH ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Regions 7, 10, at Caraga.

Facebook Comments