Pagtaas ng COVID-19 sa Cebu City, resulta ng kawalan ng home quarantine at contact tracing ayon kay Galvez

Naniniwala si National Task Force against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. na ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ay bunga ng kakulangan ng pagsasagawa ng home quarantine at mahinang contact tracing.

Ito ang kanyang obserbasyon matapos ihayag ni Cebu City Mayor Edgardo Labella na maayos ang kanilang COVID-19 response habang ang recovery rate ng lungsod ay nasa 52%.

Nagkakaroon din aniya ng stigma lalo na sa mga nagkaroon ng contact sa mga pasyenteng may COVID-19 dahil natatakot silang maapi o laitin.


Sang-ayon din si Galvez sa alkalde na isa sa dahilan ng paglobo ng kaso ay ang maraming populasyon sa lungsod.

Sinabi naman ni Interior Secretary Eduardo Año na plano ng pamahalaan na mag-hire ng 50,000 contact tracers.

Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na ang ideal ratio ng contact tracer kada populasyon ay isa sa kada 800 katao.

Facebook Comments