Manila, Philippines – Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mas mataas na funeral benefits sa mga manggagawa sa parehong pampubliko at pribadong sektor.
Sa ilalim ng executive order number 33, mula sa dating minimum na P20,000, itataas sa 30-libong piso ang funeral benefits na makukuha ng isang empleyado o contributor.
Manggagaling ang pondo para rito sa employees compensation commission, SSS at GSIS.
Samantala, nilagdaan na rin ni Duterte ang executive order no. 34 na nag-aamyenda sa EO no.423 series of 2005 kaugnay ng government procurement act of 2003.
Layon nitong pabilisin ang procurement process ng gobyerno sa pagbili ng mga gamit o sa pagpapatupad ng mga proyektong pakikinabangan ng publiko.
Facebook Comments