Pagtaas ng inflation rate, hindi dapat ika-alarma ng publiko

Manila, Philippines – Walang dapat ipangamba ang publiko sa pagtaas ng inflation rate para sa huling bahagi ng nakaraang taong 2019.

Kasunod ito ng naitalang 2.5 percent inflation noong Disyembre kung saan mas mataas ito kung ikukumpara sa 1.3 percent noong nakaraang Nobyembre.

Pagtitiyak ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, nananatali pa rin sa target range na dalawa hanggang apat na porsyento ang inflation rate ng bansa.


Sa datos ng National Economic and Development Authority (NEDA), ang 2.5 percent inflation ay dulot ng pagtaas ng presyo ng food at maging non-food items bunsod ng mga bagyong nanalasa noong Disyembre at sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Bilang panghuli, tiniyak ng Malakanyang na mahigpit na binabantayan ng economic managers ng administrasyon ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa sa kabila ng umuusbong na global threats.

Facebook Comments