Pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Bacolod City, pagpupulungan ng tatlong cabinet officials kasama ang ilan pang sangay ng pamahalaan

Nakatakdang magpulong ang tatlong cabinet officials kasama ang mga opisyal ng Bacolod City, para pag-usapan ang sitwasyon ng COVID-19 sa probinsya at magkaroon ng solusyon kung paano mapipigilan ang pagkalat ng sakit.

Ayon kay Bacolod City Mayor Evelio Leonardia, ang mga cabinet officials ay kinabibilangan nina Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sec. Roy Cimatu, Presidential Assistant for the Visayas Sec. Michael Lloyd Dino at Gen. Mel Feliciano.

Nangako ring tumulong ang grupo ni Gen. Robert Ancan ng Armed Forces of the Philippines Visayas Command Center sa Cebu, at magpapadala rin ng mga medical team na naglalaman ng army doctors, nurses, at support health workers.


Samantala, umabot na sa 86 percent o 44 bilyong piso ang nagastos ng Department of Health (DOH) para sa pagtugon sa laban kontra COVID-19.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, mula ito sa kabuuang 51 bilyong pisong budget na ginamit sa pagbili ng ilang kinakailangan.

Ang 46 percent sa nagastos ay ginamit sa pagbili ng Personal Protective Equipment (PPEs), face masks at iba’t ibang gamot para sa treatment.

Habang ang 30 percent o 15.47 bilyong piso ay ginamit sa laboratory commodities na testing kits, logistical supplies na kailangan sa mga laboratoryo.

Facebook Comments