Pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa labas ng Metro Manila, aabutin pa ng isang buwan

Posibleng abutin pa ng isang buwan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ilang bahagi ng Western Visayas at Mindanao.

Ayon kay OCTA Research Fellow Prof. Guido David, sa ilang maliliit na Local Government Unit (LGU), karaniwan ng inaabot ng isang buwan bago mapababa ang kaso ng COVID-19.

Pero madalas ay umaabot ng dalawang buwan sa ilang lugar kahit na may umiiral na heightened restriction.


Base sa tala ng OCTA, halos dumoble ang naitatalang kaso sa Koronadal City, 54% ang itinaas sa Davao City at 62% sa Cotabato.

Naitala rin ng OCTA na nalagpasan na ng Davao City ang Quezon City sa daily average COVID-19 cases.

Facebook Comments