Pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Visayas at Mindanao, hindi dahil sa mga variants ayon sa DOH

Nilinaw ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang dahilan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Visayas at Mindanao.

Ayon kay Vergeire, hindi lamang ang mga variant of concern ng sakit ang dahilan ng pagtaas ng kaso sa lugar.

Kasama rin kasi sa kanilang pinagbabasehan sa pag-aaral ay ang mobility o pagkilos ng mga tao sa lugar at pagsunod sa minimum health standards.


Sa ngayon, nakatakdang magpulong ang Inter-Agency Task Force (IATF) at ang pagtalima ng bawat lokalidad ang magiging basehan sa pananatili, pagbaba at pagtaas ng quarantine status sa bansa.

Facebook Comments