PAGTAAS NG KASO NG GASTROENTERITIS SA PANGASINAN, IKINAALARMA

Ikinaalarma ng Pangasinan Provincial Health Office ng Pangasinan ang pagkakatala ng 132% pagtaas sa kaso ng gastroenteritis sa probinsya.
Sa tala ng PHO, mula Enero hanggang Setyembre mayroon ng higit 4,500 kaso ng sakit at 29 ang nasawi. Mataas ito kumpara sa nakalipas na taon na 957 na kaso at 12 ang nasawi.
Ayon kay Provincial Health Officer Dra. Anna De Guzman, karamihan sa kasong naitala ay isa hanggang apat na taong gulang. Ang maaaring dahilan umano ay dahil sa maruming tubig na iniinom at hindi nalilinis ang botelya ng gatas at iba pa.
Bukod dito, ikinaalarma din ng opisyal ang mataas na mortality rate sa mga bata na dahilan ay ang late na pagdadala ng kanilang mga anak sa hospital.

Sinabi ni De Guzman na may pangamba pa rin ang mga ito at tinitignan na COVID 19 hospitals ang mga hospital sa lalawigan.
Kung makaranas umano ng sintomas gaya ng lagnat, pagdudumi ng 2-3 beses, hindi pag imik ng bata at hindi pagkain ay agad na dalhin sa pinakamalapit na hospital ang mga ito upang maagapan.
Ilan sa mga binabantayang lugar na may mataas sa kaso ay ang Alaminos city, Lingayen, Binmaley,Calasiao, Mapandan, San Jacibyo, Sta. Barbara, Bayambang, Manaoag, Pozzorubio, Sison, Urdaneta City at Umingan.
Facebook Comments