EDUCATIONAL ASSISTANCE PAYOUT SA DAGUPAN CITY, SINABAYAN NG COVID-19 VACCINATION ACTIVITIES

23
Isinagawa ang DSWD Educational Assistance Payout sa Dagupan City People’s Astrodome sa pakikipagtulungan ng Dagupan City LGU at DepEd Schools Division Office para sa mas maayos na sistema ng payout.
Naroroon ang mga kinatawan ng DSWD sa pangunguna ni Division Chief Field Officer Clarivel Banzuela at Dagupan CSWD sa pamumuno ni OIC Irene Ferrer, Dagupan PNP at ang Public Order and Safety Office (POSO).
Kasabay ng isinasagawang payout, dinala na rin ng Dagupan LGU sa lugar ang Covid-19 Vaccination Activities sa pamamagitan ng City Health Office, at hinihikayat ang mga hindi pa nagpabakuna o nagpa booster na samantalahin ang pagkakataon upang matiyak ang proteksyon laban sa Covid-19.
Para sa intensified vaccination program, matatandaan na dinadala na rin ng lokal na gobyerno ang bakunahan sa mga barangay at integrated rin sa lahat ng aktibidad ng siyudad.
Facebook Comments