Nabahahala na ang Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR sa pagtaas ng mga kaso ng kidnapping ng mga nangungutang na mga casino player.
Sa isang statament na inilabas ni PAGCOR Chairman Andrea Domingo, nag-organisa na sila ng isang pulong kasama ang mga casino operator sa Entertainment City at Clark, maging ang mga kinatawan ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group at Bureau of Immigration.
Layunin nito na masolusyunan ang mga casino-related kidnappings, na kinasasangkutan din ng mga Chinese.
Sinabi pa ni Domingo na mariing kinokondena ng PAGCOR ang mga kaso ng pagdukot at ang mga ganoong uri ng krimen ay dapat aksyunan na agad.
Sa kabila nito, palalakasin ng PAGCOR ang kanilang security protocols katuwang ang casino licensees para maprotektahan ang integridad ng gaming and entertainment business sa bansa,
Ito ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng casino surveillance facilities tulad ng facial recognition cameras; pagbibigay ng impormasyob sa casino operators laban sa mga kriminal; dagdag na security personnel; at patuloy na koordinasyon sa PNP, BI at Department of Foreign Affairs.
Plano rin PAGCOR na i-accredit at i-regulate na ang casino financiers, alinsunod sa regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas, Securities and Exchange Commission at iba pang regulatory agencies.