Water level sa Angat, mas tumaas pa

Patuloy na bumubuti ang lebel ng tubig sa Angat dam.

Ayon sa PAGASA hydrology division, 182.42 meters na ang tubig sa nabanggit na dam.

Umangat ito kumpara sa 182.16 meters kahapon.


Sa La Mesa dam, tumaas din ang tubig sa sukat na 77.23 meters.

Kung magpapatuloy ang ganitong sitwasyon, inaasahang magiging normal na ang dami ng suplay ng tubig sa Mega Manila.

Facebook Comments