Pagtaas ng kaso ng teenage pregnancy sa bansa, ikinabahala ng ilang grupo

Ikinabahala ng ilang grupo ang pagtaas ng kaso ng teenage pregnancy sa bansa.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), umaabot sa halos 500 na sanggol ang ipinapanganak kada araw mula sa mga kabataang edad 10 hanggang 19 taong gulang.

Lumalabas naman sa isinagwang pag-aaral ng Philippine Legislators’ Committee on Population and Development (PLCPD), tumaas sa 2,411 na menor edad na 15 taong gulang pababa ang nanganak nitong 2019 kumpara sa 1,116 noong 2008.


Ayon sa PLCPD, ilan sa mga nakikita nilang dahilan dito ay ang kakulangan ng impormasyon ng kabataan sa reproductive health at access sa mga serbisyong may kinalaman dito.

Dagdag pa ng grupo, kabilang din sa kanilang datos ay ang mga menor de edad na pinagsamantalahan ng mga lalaking 20 taong gulang pataas.

Dahil dito, nanawagan sila sa Kongreso na iprayoridad ang pagpasa sa mga batas na bubuo ng prevention programs at magbibigay proteksyon sa mga adolescent parents.

Facebook Comments