Plano ng DA na maglabas ng SRP sa asukal, isasapinal na ngayong linggo!

Target ng Department of Agriculture (DA) na maglabas ng suggested retail price (SRP) ng asukal dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo nito.

Nalaman kasi ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na umaabot sa P134 ang bawat kilo ng asukal sa mga supermarket sa Metro Manila.

Ayon kay DA Spokesperson Undersecretary Kristine Evangelista, isasapinal na nila ngayong linggo ang naturang isyu at posibleng maipatupad na ang SRP pagsapit ng Nobyembre.


Ito aniya ay para matiyak ang pagkakaroon ng suplay ng asukal sa mga pamilihan at masiguro na tama ang pagpataw ng presyo nito.

Samantala, inaasahan naman ng DA ang posibilidad ng P85 kada kilo ng asukal sa pagdating ng i-inimport na asukal sa ilalim ng Sugar Order (SO) No.2.

Facebook Comments