Pagtaas ng labor force sa taong 2021, malaking hamon sa gobyerno ngayong pandemya ayon sa POPCOM

Magiging malaking hamon sa pamahalaan ang paggawa at pagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino sa susunod na taon.

Kasunod na rin ito ng pagtaas ng halos 1.4 million o katumbas ng 110.88 million ang inaasahang populasyon ng mga Pilipino sa katapusan ng 2021.

Sa interview ng RMN Manila kay Commission on Population and Development (POPCOM) Executive Director Juan Antonio Perez III, sinabi nito na dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic, naantala ang family planning services kaya nadagdag ng halos isang milyon ang populasyon ng bansa.


Dahil dito, tinatayang nasa 71 million na ang labor force ng bansa pagsapit ng 2021 kung saan malaking hamon sa gobyerno kung paano sila bibigyan ng trabaho.

Dahil sa pandemya, magiging problema aniya rito ay hindi lahat ng nasa working age group ay may maayos na trabaho partikular na ang mga fresh graduate.

Facebook Comments