Pagtaas ng low-paying jobs, sanhi umano ng bumabang bilang ng mga walang trabaho

Hindi bumilib si Gabriela Women’s Party Representative Arlene Brosas sa pagbaba ng unemployment rate sa 3.1 percent noong December 2023.

Giit ni Brosas, ang dahilan nito ay ang pagtaas ng mga Pilipino na may trabahong mababa ang kalidad at mababa ang sweldo.

Patunay ni Brosas ang data mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) na nagpapakita na ang malaking increase sa bilang mga may trabaho ay nasa mga sektor na mababa ang sahod.


Pangunahing inihalimbawa ni Brosas ang industriya ng construction gayundin ang mga nasa accommodation and food service activities tulad ng waiters and service crew at seasonal at temporary jobs.

Binanggit din ni Brosas na nasa 6 milyong mga Pilipino ngayon ang bagama’t may trabaho na ay naghahanap pa rin ng mapapasukan o mapagkakakitaan.

Facebook Comments