Sen. Angara: Kamara, mistualng “bully” na

Mistulang bully na ang Kamara sa Senado dahil sa walang tigil na akusasyon at panghahamon na may kinalaman sa pagamyenda ng economic provisions ng Konstitusyon.

Ito ang sa palagay ni Senator Sonny Angara kasunod na rin ng panghahamon ng Kamara na ilahad na ng mga senador ang kanilang posisyon kung pabor o hindi sa Charter change.

Ayon kay Angara, inaaraw-araw na sila ng Kamara sa pambu-bully kahit pa kasalukuyan na nilang dinidinig ang Resolution of Both Houses No.6.


Hindi naman aniya pwedeng binu-bully na sila ng mga kongresista ay hindi pa sila sasagot dahil ito’y self-defense lamang para sa kanilang mga sarili.

Apela ng senador sa Kamara, mag-break naman sila at time out muna sa pambu-bully sa mga senador.

Facebook Comments