Umapela ang House minority na itigil ang pagtaas ng matrikula ng mga pribadong paaralan sa gitna ng pandemya.
Ayon kay Agusan del Norte 1st District Rep. Lawrence Fortun, maghahain ang mga mambabatas ng isang resolusyong magtatakda ng moratorium sa pagtataas ng matrikula sa gitna ng krisis.
Hinikayat naman ni Fortun na magbaba ng matrikula ang mga pribadong paaralan dahil nabawasan ang mga gastusin nito dahil sa pagsasara ng mga campus nito.
Matatandaang nitong nakaraang taon, inaprubahan ng Department of Education (DepEd) ang tuition hike applications ng 645 pribadong paaralan sa bansa.
Ayon pa sa DepEd, higit 800 pribadong paaralan ang nagkansela ng operasyon ngayong taon.
Facebook Comments