Posibleng tumaas muli ang kaso ng COVID-19 sa bansa dahil sa pagtaas ng mobility ng publiko.
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Medical Adviser Dr. Ted Herbosa, bagama’t bumaba na ang COVID-19 testing output sa bansa ay dapat sundin ang mga safety protocols upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19.
Samantala, inihayag din ng Department of Health (DOH) na may 14 na lugar na nagkaroon ng kaunting pagtaas ng kaso matapos magpositibo ang one week growth rate.
Nilinaw naman ni DOH Usec. Maria Rosario Vergeire na hindi naka-apekto sa hospitalization rate ng basa ang naturang pagtaas ng kaso.
Facebook Comments