Governor Mamba ng Cagayan, Humilingng Suporta; Pagbubukas ng Port of Aparri, Ipaprayoridad

30
Cauayan City, Isabela- Hiniling ni Cagayan Governor Manuel Mamba ang suporta ng mamamayan para sa inaasahang pagbubukas ng Port of Aparri kasabay ng kanyang pagbisita at pagsagawa ng “Oplan Tulong sa Barangay” sa bayan ng Abulug, kahapon, April-18.

Ito aniya ang ipaprayoridad ng opisyal maging ang International Airport sakaling muling maupo bilang Gobernador alinsunod na rin sa kanyang CAGANDA 2025.

Para kay Mamba, malaki itong oportunidad para sa mga Cagayano upang maiangat ang antas ng pamumuhay lalo na sa mga magsasaka.

Kung sakaling mangyari ito, ang lalawigan na ang magsusuplay ng pagkain sa mga kalapit na mayayamang bansa gaya ng China, Taiwan at Japan.

Facebook Comments