Ibinabala ni 1-RIDER Party-list Representative Bonifacio Bosita ang posibleng pagtaas ng pamasahe sa pampasaherong jeep ng hanggang 30 to 40 pesos.
Ayon kay Bosita, ito ay dahil tiyak na sa mga commuters ipapasa ng mga kooperatiba at tsuper ang ipambabayad sa modernong unit na ipapalit sa kanilang ipinapasadang lumang pampasaherong jeep.
Paliwanag ni Bosita, para makabili ng modern jeepney na halagang 1.6 hangang 2.8 million pesos ay kakailanganing kumita ng isang ordinaryong driver ng 6,000 hanggang 7,000 pesos kada araw.
Bunsod nito ay iginiit ni Bosita sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na pag-aralang mabuti ang kung magkano ang unit ng modernized vehicle na pasok sa Public Utility Vehicle o PUV Modernization Program.