DILG, dumistansiya sa ‘people’s initiative’ na sumusuporta sa pag-amyenda sa Saligang Batas

Nilinaw ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na walang partisipasyon ang kanyang tanggapan sa anumang hakbang o signature campaign na sumusuporta sa people’s initiative na amyendahan ang Charter.

Ayon kay Abalos, bawal sa ahensiya na makipag-partisipasyon sa people’s initiative, at dapat umanong manggaling ito sa sambayanan.

Dagdag pa niya, bilang isang career service official ng gobyerno, ipinagbabawal silang lumahok sa naturang ehersisyo.


 

Giit niya, walang masama kung ang isang indibidwal ay gustong pumirma ng signature campaign na sumusuporta sa people’s initiative dahil nasasalig ito sa kanilang karapatan.

Facebook Comments