Bumagal ng 1.4% ang pagtaas ng populasyon ng Pilipinas mula 2015 hanggang 2020 kumpara sa 1.6% noong 2019, batay sa United Nations Population Fund (UNFPA).
Mas mabilis naman ang pagtaas ng populasyon ng Pilipinas kumpara sa India na 1%, US na 0.6% at China na 0.5%.
Bukod sa Pilipinas, mataas din ang growth rate sa Southeast Asia ng Laos at Cambodia na may 1.5%.
Sa ngayon, mayroon 111 milyon ang populasyon ng Pilipinas kung saan 67.4% ay may edad 15-64; 29.5% ay edad 0-14; 28.6% ay edad 10-24; 18.4% ang edad 10-19; at 5.7% ang 65-anyos pataas.
Sinabi rin ng UNFPA na halos dalawang milyon ang ipanganganak ngayong taon kahit pandemya.
Facebook Comments