Manila, Philippines – Buo ang hinala ni Senator Cynthia Villar na mayroon ngayong garlic cartel kaya umakyat ng 200 hanggang 300 pesos ang kada-kilo ng bawang sa merkado.
Ang pahayag ay ginawa ni Senator Villar matapos ang pagdinig ng pinamumunuan niyang Committee Agriculture and Food.
Ayon kay Villar, 14 pesos lamang kada-kilo ang puhunang kailangan upang makapag-produce ng lokal na bawang na ibinebenta naman ng 150 pesos kada-kilo habang ang imported na bawang ay 17 pesos kada-kilo ang puhunan.
Sa computation ni Senator Villar, kikita ng hanggang 2 billion pesos ang kartel sa presyong 300 pesos kada-kilo ng bawang.
Sa pagdinig ay nasermunan din ni Senator Villar ang Bureau of Plant Industry o BPI hinggil sa pag-iisyu ng import permit.
Katwiran ni Villar, bakit aangkat pa ng bawang kung mas mura ang pagtatanim ng bawang dito sa Pilipinas.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558