Inaasahang sa mga buwan pa ng Ber months mararanasan ang pagdami ng locally produced rice dahil nakadepende umano ang malaking suplay ng bigas sa mga imported rice dahil mas marami ngayon sa merkado ang imported kesa sa local, ayon yan sa grupong Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG.
Ang ibang mga uri pa ng bigas ay lingguhang pa ring tumataas ang presyo kung saan makikita sa ilang pamilihan sa Dagupan City.
Kung dati, kayang kaya pa ng mga mamimili ang presyo ng local well milled rice, ngayon itinaas ang presyo ng uri ng bigas ng tatlong piso ang kada kilo sa ibat ibat pang pamilihan sa Pangasinan maging sa Ilocos Norte.
Sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas, apektado na rin ang presyo ng mga itinitinda sa mga karinderya kung saan ang dating kuha nila sa 930 pesos na kada sako ay nasa 1,200-1,300 na ang kanilang kuha kaya naman, ang dating sampung piso kada takal na kanin na kanilang binebenta ay itinaas nila sa dose hanggang kinse pesos.
Kung hindi naman umano nila tataasan ang presyo ay baka sila naman ang malugi at hindi makabawi sa kanilang mga puhunan lalo at nakikipagsapalaran rin naman sila sa kanilang pang-araw araw gaya ng ibang normal na manggagawa.
Sa ngayon, malaki ang imported rice sa mga pamilihan kaya naman mas hinihimok ito kesa sa local rice. |ifmnews
Facebook Comments