Pagtaas ng presyo ng face shield, pinababantayan sa DTI

Umapela si Committee on Transportation Vice Chair at Iloilo City Rep. Julienne Baronda sa Department of Trade and Industry (DTI) na tiyaking hindi masasamantala ng mga negosyante ang presyo ng face shield.

Ang panawagan ay kasunod na rin ng kautusan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na gawing mandatory para sa publiko ang pagsusuot ng face shield at face mask tuwing sasakay sa public transportation.

Giit ni Baronda, dapat bantayan ng DTI ang presyo ng bentahan ng face shield at tiyaking hindi mag-o-overprice ang mga negosyante.


Ilang araw pa lamang kasi nang inanunsyo ng pamahalaan ang mandatory na pagsusuot ng face shield sa public transport pero ilang kababayan na ang umaangal sa biglang pagtaas ng presyo nito.

Hiniling din ni Baronda ang kooperasyon ng publiko na sundin ang pagsusuot ng face shield kapag sasakay sa mga pampublikong sasakyan dahil mas mahal pa rin aniya ang magkasakit ng COVID-19.

Facebook Comments