Pagtaas ng presyo ng galunggong sa pamilihan, bunsod ng mababang supply – DA at BFAR

Aminado ang Department of Agriculture (DA) at ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ang kakulangan ng suplay ang dahilan kung bakit tumaas ang presyo ng galunggong sa mga pamilihan.

Ayon kay Agriculture Undersecretary Cheryl Marie Caballero, hindi sapat sa ngayon ang suplay ng galunggong kasabay ng mataas na demand pero kakaunti ang suplay.

Ito ay dahil nagpatupad ng close season sa Visayan Sea na naganap nitong November 2020 hanggang February 2021.


Sa 30,000 metriko tonelada naman ng isda na inangkat ng bansa noong September 2020, aabot lang sa kalahati ng galunggong ang dumating sa Pilipinas.

Sa ngayon paliwanag ni BFAR National Director Eduardo Gongona, simula nitong February 15 ay pinayagan na muli ang panghuhuli sa mga isda sa Visayan Sea.

Sa pamamagitan nito, matutulungan aniya ang mga pamilihan para maibaba ang presyo ng galunggong.

Facebook Comments