3.4-million halaga ng shabu, nasamsam ng PDEA sa Concepcion,Tarlac

79

Nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang P3.4-M na halaga ng shabu matapos mahuli ang isang bigtime drug pusher sa isang buy bust operation sa Concepcion, Tarlac.

Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang naaresto na si Luciano Tumaque, alias Onyok , 51-anyos.


Isinagawa ang buy bust operation sa kahabaan ng Concepcion-Capas Road, Brgy. Dutung.

Kabilang sa arestado ay isang 13-anyos na lalaki na nasa pangangalaga na ng municipal social worker.

Nakumpiska kay alias Onyok ang isang pirasong transparent na resealable plastic bag na naglalaman ng 500 grams ng shabu, isang cellphone at marked money.

Facebook Comments