Hindi pa masabi ng Department of Agriculture kung epekto ng oil price hike ang paggalaw sa presyo ng ilang produkto sa pamilihan.
Ayon kay Agriculture Usec. Christine Evangelista, kahit wala silang nakikitang kakulangan sa suplay, tumaas ng halos P10 hanggang P20 ang kada kilo ng gulay sa ilang pamilihan habang may ilang pagsipa na rin sa presyo ang isda at ilang karne.
Pero tiniyak ng DA na makikipag-ugnayan na sila sa mga biyahero para alamin kung magkano ang ipinapatong nila sa kanilang produkto.
Sakali aniyang makapanayam na nila ang mga ito ay tsaka pa lamang matutukoy ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng ilang produkto sa mga
pamilihan.
Facebook Comments