Pagtaas ng presyo ng isda, gulay at prutas dahil umano sa kakulangan ng suplay

Bahagya ngayong tumaas sa 0.3 percent ang halaga ng isda, prutas at gulay sa pamilihan.

Ayon kay Finance Undersecretary at Chief Economist Gil Beltran – ito ay resulta ng kakulangan ng supply ng mga ito sa merkado.

Aniya, kailangang panatilihin ang sapat na suplay ng mga pangunahing bilihin sa mga palengke para mapanatili ang maayos na presyo ng mga ito.


Inihalimbawa ng opisyal ang pagbaba sa presyo ng mais, bigas at asukal makaraang dumami ang suplay ng mga ito sa mga palengke na nagresulta sa mabilis na pagbaba sa presyo.

Hinikayat rin ng opisyal ang Bureau of Customs (BOC) na ayusin ang kanilang sistema para mapabilis ang pagpasok sa bansa ng ilang imported food items na magreresulta rin sa pagbaba ng presyo ng mga ito sa merkado.

Facebook Comments