Pagtaas ng presyo ng mga bilihin, pinapaimbestigahan sa Kamara

Pinapaimbestigahan ni Laguna 2nd District Rep. Ruth Mariano-Hernandez sa House Special Committee on Food Security ang mataas na presyo ng mga bilihin gaya ng bigas, asukal, karne, sibuyas at mga gulay pati ng langis.

Sa inihaing House Resolution 622 ay kasamang nais masilip ni Hernandez ang importasyon ng mga produktong agrikultural.

Diin ni Hernandez, palaging sektor ng agrikultura ang isa sa matinding tinamaan ng mataas na halaga ng farm inputs, equipment at iba pa dahil sa COVID-19 pandemic, African Swine Fever (ASF), tensyon sa pagitan ng Ukraine at Russia at mga kalamidad.


Kaugnay nito ay isinusulong din ni Hernandez ang pagpapalakas sa produksyon ng pagkain sa pamamagitan ng pagsuporta at pagbibigay ng subsidiya sa mga lokal na magsasaka at mangingisda.

Ito ay upang matapatan nila ang epekto ng mataas na presyo ng langis at malimitahan na ang pag-aangkat ng mga produktong agrikultural.

Facebook Comments