Pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, hindi pa nakikita ng DTI

Hindi pa nakikita ng Department of Trade and Industry ang pangangailangan na itaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

Sa harap ito ng tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Ayon kay DTI Assistant Secretary Ann Cabochan, patuloy nilang pag-aaralan kung kailangan pang itaas ang presyo ng mga produktong hindi naman gumagamit ng mataas na porsiyento ng petrolyo.


Nabatid na nangangamba ang ilang negosyante sa posibleng pagtaas ng presyo ng langis, maging sa presyo ng harina bunsod ng sigalot sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Nauna na ring tiniyak ng Department of Energy (DOE) na sapat ang suplay ng langis sa bansa sa buong taon.

Facebook Comments