Pagtaas ng presyo sa school supplies, hindi gaanong naramdaman ayon sa DTI

Hindi gaanong naramdaman ang pagtaas ng presyo ng school supplies ngayong taon.

Pahayag ito ng Department of Trade and Industry (DTI) matapos makita na karamihan sa presyo nito ang nananatili simula nang mangyari ang pandemya.

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, halos hindi naman kasi naibenta ang school supplies noong 2020 at 2021 kaya hindi gumalaw ang presyo ng mga naturang produkto.


Dagdag pa ni Castelo, bagama’t may ilang sellers na nagtaas ng presyo ay para lamang ito sa kanilang bagong stocks.

Nilinaw rin ng opisyal na ang inilabas na price guide ng DTI para sa school supplies ay pawang gabay lamang at depende pa rin ito sa kalidad at dami nito.

Kaya patuloy na sisitahin ng DTI ang retailers ng mga naturang produkto na nagbebenta ng mas mataas sa 10% ng itinakdang presyo sa nakalipas na tatlong buwan.

Facebook Comments