Aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, tumaas sa 31,037 kahapon ayon sa DOH

69

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 3,126 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa kahapon.

Dahil dito, umakyat sa 31,037 ang aktibong kaso ng sakit matapos ang limang araw na sunud-sunod na pagbaba nito

Dahil dito, nasa 3,867,071 na ang kabuuang bilang ng nagsakit ng COVID-19 sa bansa kung saan 3,774,515 na ang gumaling matapos madagdagan ng 2,197.


Umakyat pa lalo sa 61,519 ang nasawi sa virus matapos makapagtala ng 43 na bagong COVID-19 related deaths kahapon.

Ito na ang ikatlong magkasunod na araw na higit sa 40 ang naitatalang namamatay sa sakit.

Facebook Comments