Pagtaas ng pwesto ng Pilipinas sa IMD World Talent Ranking 2019, ikinalugod ng Palasyo

Manila, Philippines – Welcome sa Palasyo ang pag-angat ng Pilipinas sa IMD World Talent Ranking 2019.

Nabatid na noong 2018 nasa ika-55 pwesto ang Pilipinas na umangat sa 49th place ngayong taon.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, ngayong tumataas ang demand at kompetisyon sa labor force para sa mga skilled professionals maaari nang makipagsabayan ang mga Pinoy para sila ay matanggap ng kanilang mga employers.


Ayon kay Andanar, nakatulong dito ang pagsisikap ng Duterte administration na maging inclusive at accessible ang edukasyon sa pamamagitan ng Republic Act No. 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education Act.

Kung saan may programa ang Commission on Higher Education, Technical Education and Skills Development Authority at Development Academy of the Philippines para ma-promote ang technical skill development.

Kabilang din ayon kay Andanar ang iba’t ibang efforts ng pamahalaan para mas maka-attract pa ng mga employers at negosyante ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act o TRAIN Law, Build, Build, Build Program, at Universal Health Care.

Kasunod nito tiniyak ng administrasyon na prayoridad ng pamahalaan na makapagproduce ng mga highly-skilled individuals nang sa gayon balang-araw ay wala ng Pilipinong mangingibang bansa.

Facebook Comments