Motorsiklo nabundol ng bus, babaeng angkas nagulungan patay

86

Patay ang isang babeng angkas ng isang motorsiklo matapos mabangga ng isang bus ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Bacag, Villasis, Pangasinan.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya na habang binabagtas ng motorsiklo lulan sina Princess Mae Ramirez, bente uno anyos at residente ng San Jose Del Monte Bulacan at ang angkas nitong si Ayrish Miranda, bente siyete anyos at residente ng Sampaguita St. Santiago Santa Ana Pampanga ng bigla na lamang mabangga ng bus mula sa likuran.


Nagresulta ito ng pagkakasemplang ng motorsiklo kung saan tumilapon ang backride na si Miranda at magulungan ng Genesis bus na minamaneho ni Silverio Cauban, kwarentay syete anyos at residente ng Tugas Bato Leyte

Agad itong itinakbo ang biktima ngunit dineklarang dead on arrival. Samantala ang drayber ng motorsiklo ay nagtamo din ng sugat sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Nasa kustodiya na ng PNP Villasis ang drayber at nagpapatuloy ang imbestigasyon sa naturang insedente.
*DWON 104.7 iFM Dagupan* 3rd Floor Marigold Building M.H. Del Pilar Street Dagupan City 2400
*Tel.* (075) 632-2255 Fax. (075) 632-3390 *FB.* facebook.com/ifmdagupan facebook.com/ifmdagupan>

Facebook Comments

From Advertisers