Pagtaas sa Alert Level 2 sa bulkang Bulusan, hindi pa nakikita ng Phivolcs

Wala pang nakitang palataandaan ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) para itaas sa Alert Level 2 ang istado ng bulkang Bulusan sa Sorsogon.

Base sa monitoring, hindi pa nasundan ang pagputok ng bulkan kahapon at nanatili itong tahimik.

Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, base sa kanilang pag aaral, nasusundan ang pagputok ng bulkan pagkalipas ng araw o linggo.


Sa ngayon wala ding inirerekomenda ang Phivolcs na paglilikas sa mga residente, dahil lahat naman ng barangay ay nasa labas ng Permanent Danger Zone.

Pero maaaring tingnan din ito ng mga Local Government Units (LGU) dahil baka mayroong ilang residente ang nanirahan sa loob ng danger zone.

Paalala pa ni Solidum, hindi pa dapat magpakampante ang publiko hanggat aktibo ang hydrothermal activity ng bulkan na maaaring mag-trigger pa ng pagsabog.

Facebook Comments