Emergency Room ng National Kidney and Transplant Institute, hindi muna tatanggap ng mga pasyente

45

Hindi muna tatanggap ng mga pasyente ang National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City.

Sa kanilang abiso, naabot na ng Emergency Room (ER) ang pinakamataas na kapasidad nito dahil sa patuloy na konstruksyon sa lugar.

Paliwanag ng NKTI, ang pagtanggap ng mas maraming pasyente ay maaaring hindi mabigyan ng sapat na pangangalaga ang mga ito.


Nilimitahan nila ang admission sa ER sa lahat ng mga pasyente kabilang ang mga renal, urology at vascular patients.

Pinapayuhan ang mga pasyente na makipag-ugnayan sa kani-kanilang mga doktor para sa paglipat sa ibang mga ospital.

Facebook Comments