Baguio, Philippines – Inaasahan na ng lokal na gobyerno ang paglobo sa bilang ng positibong kaso sa sakit na Covid-19 sa kadahilanang mandatoryong isasailalim ang mga empleyado ng nasa higit 5,000 grocery at supermarket sa linggong ito at sa mga susunod pa.
Ayon kay City Administrator Bonifacio Dela Peña, sa pamamagitan ng positivity rate na 11%, halos 600 sa mga sasailalim sa testing ay inaasahang positibo sa naturang virus at dahil dito nakahanda ang mga karagdagang tatlong-daang kama sa mga isolation centers sa Teachers Camp at Sto. Niño.
Binigyan diin naman ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na ang mga employers ang may obligasyon para bigyan ng “haliging pampinansyal” ang kanilang empleyado pagdating sa gastos sa testing para hindi na kailangang bawasan ang kanilang sahod na sinang-ayunan naman ilang mga employers ng mga grocery at supermarket sa lungsod noong nakaraang linggo at para sa mabilisang resulta sa loob ng 15 minuto, isang bagong teknolohiya na gagamitin sa mass testing sa pamamagitan ng “antigen”.
Paalala pa din ng lokal na gobyerno at ng mga experto mula City Health Office para sa mga residente, ugaliin pa din sundin ang mga health protocols tulad ng pagsusuot ng Facemask at Shield, Physical at Social Distancing at paghuhugas ng mga kamay.