Pagtaas sa edad ng statutory rape, aprubado na sa ikalawang pagbasa

97

Pasado na sa ikalawang pagbasa ang House Bill 7836 na layong itaas ang edad para sa statutory rape at iba pang uri ng sexual abuse at exploitation.

Binibigyan ng panukala ng mas pinaigting na proteksyon ang mga kabataan sa pamamagitan ng pag-amiyenda sa Republic Act No. 3815 o ang Revised Penal Code at Republic Act 7610 or the “Special Protection of Children Against abuse, Exploitation and Discrimination Act.”


Sa ilalim ng panukala, ang krimen sa statutory rape ay nagawa kung ang biktima ay 16 na taong gulang pababa o 16 na taong gulang pataas at mayroong physical, mental o psychological disability o condition ang menor de edad.

Mahaharap sa parusang reclusion perpetua o habambuhay na pagkakabilanggo ang mga lalabag sa oras na ito ay maging ganap na batas.

Nakasaad din sa panukala ang pagtuturo at pagmulat sa mga tahanan, paaralan at komunidad ng mga kinakailangang pagiingat upang maiwasan ang mga ganitong uri ng pang-aabuso o krimen sa mga kabataan.

Facebook Comments