Kasabay ng pagtaas ng produktong gasolina sa mga sakayan, ay ang pagtaas din ng Liquefied petroleum gas o LPG nararanasan ng ilang residente sa Dagupan City.
Nagtaas ang presyo ng ilang mga kumpanya at isa nakikitang dahilan umano ang pagsasagawa ng mga regular maintenance ng mga gas producing countries gaya ng lamang sa Abu Dhabi at Saudi Arabia.
Nasa 11 pesos at 20 centavos kada kilo ang itinaas ng produktong Petron at Phoenix habang ang Solane naman ay aabot din sa 11 pesos at 18 centavos ang itinaas nito.
Samantala, ang ibang residente sa Dagupan City ay ginagawang alternatibo na lamang ang paggamit ng uling sa pagluluto. |ifmnews
Facebook Comments