Pagtaas sa sweldo ng mga nurse, muling iginiit sa Kamara

Nanawagan si Quezon City 4th District Rep. Marvin Rillo sa buong Kongreso na iprayoridad ang panukala na itaas ng 75% ang base pay ng mga nurse sa mga government hospitals para maawat ang kanilang pangingibang bansa.

Nakapaloob sa House Bill No. 5276 na inihain ni Rillo na itaas sa ₱63,997 ang kasalukuyang ₱36,619 na buwanang sweldo ng mga nurse.

Inihirit ito ni Rillo makaraang lumabas sa records ng U.S. National Council of State Boards of Nursing Inc. na umakyat sa 11,013 ang mga Filipino nurses na kumuha ng U.S. licensure exam sa unang quarter ng kasalukuyang taon.


Nainiwala si Rillo, na ang pagtataas sa sweldo ang pangunahing tugon sa nakaambang kakapusan ng nurse sa Pilipinas dahil mas pinipili nila ang magtrabaho sa ibayong dagat kung saan mas sapat o mataas ang pasahod.

Facebook Comments