PNP chief, muling tiniyak ang transparency at kooperasyon ng PNP sa media

Muling tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief Police Gen. Benjamin Acorda Jr., ang kanyang commitment sa transparency at kooperasyon ng PNP sa media.

Ayon kay Acorda, ang mahalagang papel ng media bilang katuwang ng mga pulis, na nagsisilbing check and balance, tagapagbantay ng katotohanan at hustisya at tulay sa mamamayan.

Aniya, mahalaga ang magandang samahan at maayos na pagtutulungan ng mga pulis at media na kapwa layunin na pagsilbihan ang bansa.


Hiniling din ng PNP chief ang tulong ng mga mamamahayag para maiparating sa publiko ang mga mabubuting nagagawa ng mga pulis, at maipaliwanag sa publiko ang mga adbokasiya at programa ng PNP na may kinalaman sa kapayapaan at kaayusan.

Facebook Comments