Pagtakbo ni dating US Vice President Joe Biden sa 2020 elections, pinag-iisipan pa

Amerika – Pinag-iisipan pa ni dating US Vice President Joe Biden ang pagtakbo sa pagkapangulo sa 2020 elections.

Pero ayon sa kanyang kaalyado – taong 2020 pa umano magdi-desisyon ang dating Pangalawang Pangulo, kung sasabak na sa democratic presidential race.

Sakali man anya na magkaroon ito ng konkretong desisyon ay agad niya itong iaanunsyo bago o matapos ang winter o pagsisimula ng spring.


Sinasabing isa si biden sa strongest candidate na maaring tumalo kay US President Donald Trump.

Facebook Comments